SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, August 4, 2008
NAGNGINGITNGIT ang mga taga-Mindanao. Kasi ni wala man lang konsultasyon sa kanila, pero ipamimigay ng gobyerno ng Maynila sa Moro Islamic Liberation Front ang mga purok nila na nasa ilalim ng sibilyang pamahalaan. Ibig sabihin, biglang mapapasailalim ng lokal na MILF commander ang mga halal na gobernador at mayor.
Lumalaban ang mga halal na opisyal. Sa pamumuno ni North Cotabato Vice Gov. Manny Piñol, nagkaisa ang mga pinunong Kristiyano at Muslim para dumulog sa Korte Suprema. Hinihingi nila sa Korte na ipabunyag sa Palasyo ang mga detalye ng napabalitang peace agreement sa MILF. Bahagi ng petisyon ang pagpapatigil sa napipintong pirmahan.
Panunuya ang naging tugon na Malacañang. Wika nito, saka na lang magsampa ng kaso sa korte ang mga apektadong taga-Mindanao, kapag napirmahan na ang agreement (at huli na ang lahat). At sobra na talaga ang kapalaluhan at pagkamalihim ng Malacañang. Ayaw man lang ipakita sa mga masasakop na mamamayan kung ano-ano’ng lugar ang isusuko sa MILF bilang “bahagi ng Bangsamoro ancestral domain.”
Walang magawa sina Piñol kundi umasa sa galing ng mga mamamahayag sa pagkuha ng detalyes tungkol sa Malacañang-MILF agreement. Isang draft ang nakuha ko. At sa papeles na iyon, itinuturing na bahagi ng teritoryo ng MILF ang