SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, August 8, 2008
GULAT na gulat si Senator at dating Olongapo City Mayor Richard Gordon. Nagbayad ang 500 katao nang tig-P25,000 para lang marinig ang talumpati ng ka-initials (na RG) Rudolph Giuliani, dating mayor ng
Isa sa mga idiniin ni Giuliani ay dapat mapagka katiwalaan ang isang lider. Kaakibat nito, dapat malinis ang mga pinu-no dahil hindi pumapasok ang mga investor sa bansang maanomalya. Simple, hindi ba? Alam na natin ito, hindi ba? Pero bakit kinailangan pa ng isang dayuhan, na umaaming wala siyang gaanong alam sa sitwasyon ng Pilipinas, para ma batid natin ito muli?
Nasa paliwanag ni Sen. Kiko Pangilinan marahil ang sagot. Oo, kailangan nga ng lider na mapagkakatiwalaan at malinis, kaya ito ang hanapin natin sa 2010. Pahiwatig ni Pangilinan wala na ang dalawang mahalagang katangiang ito si Gloria Macapagal Arroyo, kaya sa 2010 pa tayo magkaka-pagasa.
Tama si Pangilinan. Talamak na ang katiwalian at pagbubulaan ng Arroyo admin kaya basag na ang tiwala ng taumbayan. Sa huling SWS performance survey nitong Hunyo, 60 percent ang disgustado kay GMA at 22 percent lang ang aprobado, kaya negative-38 percent ang rating niya. Bago mag-State of the Nation noong nakaraang Lunes, 40 percent din ang nagsabing magbubulaan lang si GMA. At lumabas din ang Pulse Asia survey na 75 percent ang naghirap nitong nakaraang dalawang taon sa ilalim ni GMA.
Bunga ito ng mga anomalya sa ZTE, Northrail, Southrail, ghost fertilizer at piglets, Hello Garci, smuggling, at marami pang iba. Lahat ito hindi maipaliwanag nang lubos ni GMA o mga kamag-anak at alipores na sangkot. Pinagtakpan lang nila sa pamamagitan ng panlilito sa media o ng executive privilege. Akala nila maloloko nila ang taumbayan.
* * *