Friday, December 7, 2007

Meat smuggling patuloy, lantaran

SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, December 7, 2007

MAHIMALA ang gobyerno. Hayagang naipakita na kaya pala kumolekta ng P1 milyon kada araw na quarry taxes sa Pampa­nga si bagong Gov. Ed Panlilio. Pero bakit walang nagsasampa ng kaso laban kay ex-Gov. Mark Lapid na nag-remit ng P19 milyon lang kada taon? Nariyang umangal ang World Bank na 200 local officials daw ang nagpeke ng bids para sa road projects. Pero ang sagot ng MalacaƱang ay kasalanan lahat ng kahinaan ng bidding rules ng World Bank.

At heto pa: Atas ng gobyerno sa mga magmamanok, mag­ ba­baboy at magbabaka na pasiglahin ang kanilang indus­triya para mas maraming maempleyo at maibsan ang kara­litaan. Pero hinahayaan din ang patuloy at lan­tarang smuggling ng karne. At ngayong magpapasko at magtataas nang konting presyo ang poultry, piggery at cattle raisers para makabawi sa isang taong pagkalugi dahil sa smuggling, binabalaan sila ng gobyerno na mag-i-import ito ng manok, baboy at baka para bahain ang palengke.

Umaangal si sectoral Rep. Nicanor Briones na hindi na kumikilos ang mga awtoridad. Halimbawa, aniya, nagkalat ang imported meats sa public markets miski bawal. Ibig sabihin lang, smuggled ang ibinebenta. Food processors lang ang maaring mag-import ng fresh meat, pero dapat itong i-process at hindi ibenta nang sariwa dahil baka impektado ng foot-and-mouth disease o bird flu na ma­ kakahawa sa lokal ng stocks. Nasa alituntunin nga ng pag-import ang pagsunog ng mga kahong pinaglagyan ng imported meat para hindi kumalat ang sakit. Pero makikita ang mga kahon na ito sa palengke: Ebi­densiya ng smuggling.

Mahigit P800 milyon kada buwan ang nalulugi sa mga magbababoy pa lang dahil sa smuggling, ani Briones. Mag­kapatong na nga ang Bureau of Customs at Presidential Anti-Smuggling Group, patuloy pa rin ang krimen. Kasi, aniya, may mga protektor na malalaking tao.

Sandaling sumigla ang industriya nu’ng 2002-2003 nang mag-anti-smuggling head si noo’y-PSG chief Her­mogenes Esperon. Kasi lahat ng refrigerated vans noon ay inienspek­siyon niya kung smuggled ang lulan.