SAPOL, Inilathala sa Pilipino Star Ngayon, Friday, March 7, 2008
NU’NG 1986 pinabagsak ang isang diktador; nu’ng 2001, isang plunderer. Bakit nangasa-kalsada na naman ang mga mamamayan at nagpapatalsik muli ng isang Presidente — dahil sa laganap na patayan at katiwalian?
Malinaw ang sagot sa katanungan: Makalipas ang dalawang People Power Revolt, hindi pa rin nakapaglatag ang bansa ng matinong sistema. Naroong ibinalik lang ng EDSA-1 ang lumang oligarkiya at Kongresong hawak nito. At pinatindi lang ng EDSA-2 ang pork barrel ng Kongreso, ang pag-control ng oligarkiya sa Malacañang, at impluwensiya naman ng Malacañang sa local officials at Simbahan. Resulta: Labis na pag-aabuso ng mga naghaharing pulitiko sa kapangyarihan at sa pera ng taumbayan.
At bakit nagkaganoon ang EDSA-1 at 2, gay’ung resulta ang mga ito ng sama-sama’t demokratikong pagkilos ng mamamayan? Nasa sipi ni Edmund Burke marahil ang sagot: “
Matapos ang EDSA-1 at 2, kinailangan ang mabubuting tao para patakbuhin ang gobyerno. Pero hindi nila ginawa ito. Nagsiuwian sila matapos bumagsak si Marcos at si Estrada; nagsibalikan sila sa kanya-kanyang buhay. Ipinaubaya na lang sa iilang ang misyon ng patuloy na pagrereporma upang makahubog ng bagong sistema. E nagkataon na marami sa iilang iyon ay kawatan na winasak lang ang mga simulain ng People Power.
Sinasabi ng mga obispo na hindi na uso ang EDSA-1 at 2. Kung lilinisin ngayon ang administrasyong Arroyo, kailangan daw ng bagong uri ng People Power. Hindi na pagmamartsa, kundi ibang ibang anyo.