SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, April 25, 2008
DAHIL sa nagtataasang presyo ng pagkain at gasolina, dalawang uri ng wage increase ang hinihingi ngayon. Hinain ng Trade Union Congress of the Philippines sa Kongreso at regional wage boards ang across-the-board na P60 kada araw; ang Kilusang Mayo Uno, P125 kada araw.
Kung kukuwentahin ang nais ng TUCP, papatak ito ng P1,800 kada buwan (P60 x 30 araw) para sa lahat ng empleyado — pribado man o gobyerno, hepe man o clerk. ‘Yung sa KMU, P3,750 kada buwan sa lahat.
Samantala, nagpanukala si Rep. Edcel Lagman ng 10% dagdag-sahod sa mga taga-gobyerno, kasama na ang pulisya at militar. Ani Budget Sec. Rolando Andaya, iaanunsiyo din daw ni President Gloria Arroyo sa Labor Day ang 10% umento sa gobyerno. Ito’y dahil sa inflation na 6.4% nitong Marso, pinakamataas mula nu’ng Agosto 2006.
Pinag-isipan kaya nang husto ang 10% increase sa gobyerno? Sa palagay ko’y hindi. Kasi kung pinag-aralan ito, makikita nina Lagman, Andaya at Arroyo na hindi porsiyento kundi across-the-board ang pinaka-mabisang paraan ng dagdag-sahod.
Kung 10% ang itataas ng sahod, P800 lang ito para sa tumatanggap ng P8,000 kada buwan. Pero P2,500 ito — mahigit tatlong beses — para sa sumusuweldo ng P25,000 kada buwan.
Ani Andaya, ang iaanunsiyo ni Arroyo na 10% increase sa May 1 ay magiging effective simula July 1. Uubos daw ang gobyerno ng P12 bilyon para sa umento hanggang katapusan ng taon, o P2 bilyon kada buwan.
Kung hahatiin ang P2 bilyon sa isang milyong kawani sa national government, magkaka-P2,000