SAPOL, Inilathala sa Pilipino Star Ngayon, Friday, April 4, 2008
TATLO ang mensahe mula sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romy Neri tungkol sa executive privilege.
Una, wala nang saysay ang pag-iimbestiga ng Kongreso sa mga katiwalian ng gobyerno. Anang Korte, hindi maaring pilitin ang isang executive official na ibunyag ang mga usapan nila ng Pangulo — miski may sangkot na krimen. Sa national broadband deal, hindi maaring pilitin ng Senado si Neri na ibunyag ang naganap matapos niyang isumbong ang tangkang panunuhol ni Comelec chair Ben Abalos ng P200 milyon.
Opisyal nang tinanggalan ng Korte ang Kongreso ng poder. Parang inutos na rin ng Korte na buwagin na ng Senado ang Blue-Ribbon body, at ng Kamara ang committee on good government. Kasi, hindi naman nila mapipilit ang executive officials na magsabi ng buong katotohanan.
Ikalawang mensahe: Tila na-control na rin ni President Gloria Arroyo ang Korte Suprema. Halos lahat ng siyam na justices na bumoto para kay Neri ay pawang nominees ni Arroyo. Dapat
Ngayon, alam na natin kung bakit parating iginigiit ng MalacaƱang tuwing may nabibistong katiwalian na “ipau-baya na lang sa korte ang paglilitis.” Ito’y dahil hawak naman nila sa ilong ang mga korte. Isa-isang winawasak ang ating mga institusyon: Comelec, AFP, PNP. Kamara, Senado, media, mga obisyo, at ngayon ang Korte Suprema.