SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, April 11, 2008
MAY pait sa salita ni dating Senate President Franklin Drilon. Dahil sa 9-6 decision ng Korte Suprema sa executive privilege, buwagin na lang daw ang Senate Blue-Ribbon Committee. Tutal, aniya, wala na itong pangil.
Kinatigan kasi ng Korte na huwag pilitin si Romy Neri na umamin sa mga pinag-usapan nila ni President Gloria Arroyo tungkol sa maruming ZTE deal. Executive privilege raw ni Arroyo na ilihim ito, miski karapatan din ng taumbayan na malaman ang katotohanan sa mga transaksiyon ng gobyerno. Kesyo raw aasim ang relasyon ng Tsina at RP kung ibunyag ang usapan nina Arroyo at Neri tungkol sa Chinese telecom firm.
Kuwenta nilisensiyahan ng Korte lahat ng taga-Ehekutibo na ihirit ang executive privilege para pagtakpan ang mga krimen nila. Kaya para kay Drilon, wala nang saysay ang pag-iimbestiga ng Blue Ribbon. Patuya pa niyang dinagdag na maari nang umuwi si Agriculture Usec Jocjoc Bolante, na nagtago sa US para iwasan ang Blue-Ribbon hearings tungkol sa pamimigay ng P780 milyon para sa fertilizers kuno nu’ng halalang 2004.
May iba pang panganib sa Senado. Ani Frankie Wenceslao, dating pulitiko sa Pilipinas na ngayo’y buma batikos sa katiwalian mula sa
Samantala, ani Wenceslao, ipinapanukala sa Kamara (na hawak din ni Arroyo) na mag-constituent assembly ang Kongreso para sa Charter changes. Igigiit daw ng 237-miyembrong Kamara na pagsanibin ang botohan nila ng 24-miyembrong Senado. Sa gay’on, tiyak na matatalo ang Senado sa kahit ano’ng pagbobotohan. Pati sa isyu kung pag-iisahin na lang ang dalawa sa unicameral parliament, tiyak outvoted ang 24 na senador.