SAPOL Ni Jarius Bondoc. Pilipino Star Ngayon, Monday, April 28, 2008
ANO itong nangyayari sa Philippine General Hospital sa Ermita,
Ilang buwan na kasing hindi umaandar ang aircon sa Radiology Department, at dahil sa init ay bumigay ang mga ekuwipo. Mula Abril 18 isang x-ray machine na lang ang gumagana, at naghahalinhinan dito ang Emergency Room at in-patients (nagbabayad man o charity). May dalawa pang x-ray sa PGH, pero ang isa ay nasa Out-Patient Department, at ang portable ay para sa Opera-ting Room.
Mas pinagagamit ang nag-iisa na lang na x-ray ng Radiology Dept. sa emergency patients, pero pang chest lang ito. Napipilitan ang mga doktor na pabangunin ang in-patients, pay o charity ward man, para magpa-x-ray sa mga paligid na klinika. Kung minsan ka, pati emergency patients na hindi naman grabe ang kalagayan ay sa labas na nila itinuturo para lang ma-x-ray agad at hindi na pumila nang matagal.
Nananawagan na ang mga doktor sa PGH sa mga kasamahan sa ibang ospital o klinika. Kung magpapadala raw ng pasyente sa PGH, payuhan daw na magpa-x-ray na at bitbitin ang resulta. Tandaan daw na miski kumpleto ang “injury and medical clearance examinations,” mahihirapan pa rin ang PGH doctors na magreseta ng espesyal na x-rays, tulad ng traction films, stress films, special views, atbp. ‘Yung ibang pasyente nga raw, pinapayuhan na lang nila na sa ibang ospital tumungo.
Sa unang tingin iisipin ng iba na hindi naman pangsalba ng buhay ang x-ray machine, kaya hindi ito mahalaga. Pero kung tutuusin ay sa x-ray madalas nakikita ng doktor kung ano eksakto ang sakit ng pasyente, kung ano ang lunas, at kung saan ooperahan kung kailangan. Mahalaga rin ito sa mga may karamdaman sa puso, baga at buto. Kaya