SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, April 18, 2008
NU’NG bata pa ako, dekada ’60 at kokonti pa ang tao sa Pilipinas, gapalad ang laki ng ordinaryong sapsap, at gabinti ang bangus. Apat na daliri ang lapad ng tatampal (alupihang dagat), at banye-banyera ang itinitindang alimasag sa palengke.
Matuling dumami ang populasyon, at nalaspag ang pangisdaan sa walang-humpay na pagdidinamita, paglalason at panunuro. Samantala, mabagal ang gobyerno sa pagpapalago ng pakain. Ngayon ang sapsap ay malaki lang nang konti sa piso — kung merong nahuhuli — at ang bangus ay inaani na sa palaisdaan nang tatlong piraso sa isang kilo. Kung may makita ka mang tatampal, dalawang daliri lang ang lapad, at ang alimasag ay kasingliit na lang ng talangka. Maliliit pa ang lamang dagat, hinuhuli na ng nagugutom na populasyon.
Ngayon ay napipinto umano ang krisis sa pagkain sa buong mundo. Lumalaki ang populasyon sa mga umuunlad na bansa, at ang mga palayan at ginagawang bahayan. Kumokonti rin ang ani ng bigas, trigo, mais at iba pang staple dahil sa bagyo’t tagtuyot na dala ng climate change. Kasabay nito, nilalaspag na rin ng ibang bansa ang laman-dagat: Ang Japan ay patuloy ang pag-hunting ng balyena, at ang
Nahahawa ang Pilipinas sa ugali ng