SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, June 27, 2008
DALAWANG beses nang in-extend ng Commission on Higher Education (CHED) ang deadline sa pagrehistro ng review centers. Unang cut-off nu’ng
Umangal ang 30 rehistrado nang kasapi ng Federation of Accredited Review Centers of the
Sagot ng RECAP, maselan at magastos ang pakikipag-partner sa basta-basta lang na kolehiyo — kaya hinay-hinay lang sila. Mga malinis at disenteng educators daw karamihan ng 800. Nais din daw nila linisin ang kanilang hanay kaya sineseguro nila ang pagtupad sa CHED rules.
Pero may lehitimong tanong ang mga graduates na nais mag-review para sa board exam. Paano raw nila matutukoy kung ano’ng review center ang matino sa kanilang pook — gayung 50 lang sa buong bansa ang nakatupad sa CHED deadline at 800 ang hindi pa lisensiyado?
Kailangan nila ng sagot dahil magre-review na sila. Takot silang mangyari sa kanila ang sinapit ng 1,067 nursing at 21 midwifery graduates sa kamay ng Northcap-Baguio. Nakapag-tuition na ang bawat isa ng tig-P75,000 para sa tatlong buwang review simula Marso. Nagbayad pa sila ng tig-P1,125 sa nursing at P800 sa midwifery para ipalista sila ng Northcap sa Professional Regulatory Commission, na ang singil lang ay P800 at P600. Aba’y ibinulsa ng may-ari ng Northcap ang pera. Wala tuloy ni isang nakapag-exam. Nawalan ng saysay ang P75,000-tuition.