SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, June 2, 2008
SUBOK na ito sa
Disenyong Pinoy pero gawa sa Tsina ang e-jeepney. Imbis diesel o gasolina, umaandar ito sa pamamagitan ng rechargeable battery. Ipa-plug lang ang baterya sa charger na de-kuryente, tapos puwede na pumasada. Tahimik ang makinang de-baterya. At dahil walang sinusunog na langis, wala ring usok at nakalalason na emissions ang e-jeepney.
Nu’ng Abril hanggang Oktubre 2007, nag-assemble ng ilang e-jeepneys para i-test run sa apat na nabanggit na lungsod. Ang sasakyang “animan” — ibig sabihin, anim na pasahero sa bawat upuan sa likod, at tatlo sa harap, o kabuoang 15 — ay kayang umarangkada nang hanggang 40 kph. Tamang-tama ito para sa mga purok na masikip ang trapik.
Sa isang charge lang ng baterya, na inaabot nang walong oras sa magdamag, kayang tumakbo ng e-jeepney nang 100-120 km. Kung pamilyar kayo sa ka raniwang ruta sa siyudad na limang kilometro, makukuwenta niyo ang efficiency. Makakailang biyahe ang e-jeepney sa halaga lang ng P110-P140 kada charge, hindi libo-libong piso na halaga ng imported diesel.
Panukala ni Sen. Pia Cayetano na puhunanan ng mga city hall ang pagpapakalat ng e-jeepneys. Sila na mismo ang umorder sa assembler, tapos ibenta sa mga jeepney cooperatives nang installment. Natuwa nga siya sa pasya ng Motor Vehicle Parts Manufacturers Association of the