SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, June 16, 2008
ITINANGGI ni Chairman Tomas Lantion ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagprangkisa sa 2,400 dagdag na bus sa EDSA mula nang maupo siya nu’ng 2007. Aniya 1,097 lang ang idinagdag niya sa 2,487 bus na pinahintulutan ni dating chair Len Bautista sa masikip na main highway ng Metro Manila. Sa 1,097, aniya, 902 ay mga naiwan ni Bautista na nakabimbing late applications for franchise, at 195 ay mga biyaheng roll on-roll off sa barko patungong Visayas at
Mas malaking balita, ani Lantion, ay ang pagpasok ng unang 22 units ng bus na tumatakbo hindi sa imported diesel kundi sa lokal na compressed natural gas (CNG). Ang 22 ay pag-aari ng dalawang bus operators sa Southern Tagalog. Ginarantiya umano ng Dept. of Energy na P14.70 kada litro lang ang benta ng Pilipinas Shell ng natural gas mula sa Malampaya Well,
Problema, iisa pa lang ang filling station ng CNG — sa Shell-SLEX Sta. Rosa, Laguna. Kaya ng istasyon na kargahan ang 70 bus araw-araw. Pero para sa mga biyahe hanggang Mall of Asia-Baclaran, Valenzuela, at Novaliches-San Jose del Monte, natural lang na naisin ng operators at tsuper na may filling stations din sa kabilang dulo ng mga ruta. At lalong mas mainam kung meron ding mobile stations — mga trak ng CNG na puwedeng magkarga sa mga bus sa tabing-kalye lang.