SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, July 4, 2008
TOTOO ba ang expiration date sa bote ng gamot? Kapag, sabi sa bote na expired na nu’ng July 2006, at July 2008, iinumin mo pa ba? Wala na ba talagang bisa ‘yon? O gimik lang ‘yon ng mga pabrika ng gamot para bili tayo nang bili? Sinaliksik ni Richard Altschuler ang isyu nu’ng Sept. 2002. Kinumpirma ni columnist Dr. Thomas M. Kramer na totoo ang isinulat.
Nakita ni Altschuler ang biyenan na umiinom ng lumang Tylenol, at di siya pinakinggan nito nang sitahin niya. Uminom pa rin ng dalawang tableta miski walong buwan nang expired. Nang mawala ang sakit ng ulo, akala pa nga ni Altschuler ay placebo effect (guniguni) lang.
Pero tama ang biyenan. Sa batas pala sa paglagay ng expi-ration date, hinahayaan ng gobyerno ang gumawa kung hanggang kailan sa palagay nito ang buong bisa o safety ng gamot — nang walang opisyal na testing. Karamihan nga ng doktor ay naniniwalang may bisa at safe pa ang mga gamot miski ayon sa bote ay expired na — maliban sa bihirang ehemplo.
Sa unofficial lab tests, nakita na maaring humina nang 5% hanggang 50% ang bisa pag luma na, pero marami ring sapat pa ang bisa miski 10 taon na. Kaya sentido-komon na lang na kung nakasalalay ang buhay mo sa 100% bisa ng gamot, mabuti pang sunurin mo ang expiration date. Pero kung hindi naman gan’un kalala ang sitwasyon — halimbawa sakit ng ngipin o menstrual cramps — puwede nang magsapalaran.
Isa sa pinaka-malaking pruweba ni Altschuler ang nangyari sa
* * *