SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, October 15, 2007
TUMESTIGO si Romy Neri sa Senado. Ni-report daw niya kay President Arroyo ang tangkang panunuhol ng P200 milyon ni Benjamin Abalos para isulong niya ang broadband deal sa NEDA. Sinabihan daw siya ni Arroyo na huwag tanggapin. Tapos, wala nang kuwento si Neri. Kesyo “executive privilege” raw ang mga usapan ng Presidente sa alter ego sa Cabinet.
Kinumpirma ni Arroyo ang pag-report ni Neri ng pa nunuhol. Oo, aniya, inatasan niya itong tumanggi. Tapos, wala nang kuwento si Arroyo. Naglabas na lang ng atrasadong ulat ang Malacañang na kesyo tahimik daw nitong inimbestigahan ang panunuhol (pero sa totoo wala ni isa sa mga leading characters — Neri, Abalos, Larry Mendoza o Joey de Venecia III — ang inusisa).
Tumataginting ang tanong ng madla: Ano ang ginawa ni Arroyo nang mabatid ang panunuhol? Pinakilos ba niya ang mga kinauukulan? Di ba’t pangunahing tungkulin niya ito?
Ang sagot ay nasa oath of office ng Presidente, sa Constitution: “I do solemnly swear that I will faithfully and conscientiously fulfill my duties as President of the
Kapag naudlot ang panunuhol — dahil, halimbawa, hindi tinanggap, sa kaso ni Neri — dapat kasuhan pa rin ang nagtangka. Ang nilabag na batas ay “corrupting a public official,” na maaring ikakulong nang 20 taon.
Obvious na hindi hinabla ni Arroyo si Abalos. Nagpatuloy ito bilang Comelec chairman. At pinamunuan nito ang congressional-local elections nu’ng Mayo kung saan naghasik ng lagim si Lintang Bedol sa Mindanao.