SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, October 5, 2007
TODO ang paninira kay Joey de Venecia nina Leandro Mendoza, Benjamin Abalos at Mike Arroyo — mga binisto niyang tumutulak at kumi-kickback sa ZTE deal. Una na nila akong siniraan mula nu’ng Abril nang ibunyag ko ang maruming kontrata ng ZTE Corp. of China sa national broadband network. Tinanggalan ako ng TV show sa IBC-13; kesyo wala na raw budget para sa programang pambato ng istasyon mula 2001. At tinangka pa akong isangkot sa pagnanakaw umano ng kontrata — na ngayo’y lumalabas, ani Sen. Ping Lacson, na tinago lang pala ng DOTC dahil sa maling pag-aakalang maglalaho ang alingasngas.
Marami pang ibang pinahamak ng mga may pakana ng anomalya. Ang isang source ko, na-wiretap ang cell phone. Ang isa pa, na-clone ang e-mail na magpadala ng mali-maling impormasyon. Ang isang sumubok mag-imbestiga sa DOTC, tinanggal ng Presidential Anti-Graft Commission. Dalawang Cabinet member ang nilipat.
Ginugulo pa ng Malacañang ang usapan. Kesyo meron, wala, tapos meron uling kontrata. Kesyo may kopya, ninakaw, na-reconstitute, pero confidential ang kontrata kaya hindi mailabas. Kesyo executive agreement ang kontrata kaya walang public bidding.
Manloko, manakot at manakit na ang mga tagapagtanggol ng ZTE deal — pero hindi pa rin nila maloloko ang taumbayan. Batid ng madla ang batayang isyu dito. At ito ‘yun: