SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, October 8, 2007
HAYAN, inimbitahan na ni Sen. Alan Cayetano si First Gentleman (FG) Mike Arroyo sa Blue-Ribbon inquiry tungkol sa ZTE scam. Ito’y dahil sinangkot ni Joey de Venecia III si FG bilang “bully” na tinawag umano ni Ben Abalos para paatrasin siya sa national broadband network bidding.
Tila kakayanin na ni FG humarap sa matinding interogasyon sa Senado, mula sa maselang heart surgery nu’ng Abril. Nitong nakaraang dalawang linggo parang batang bakasyonista siyang nagpalundag-lundag sa pitong siyudad sa
Sana sa Senado sagutin ni FG si Joey, dahil doon siya nito idinikit sa maanomalyang kontrata. Sana marinig ng taumbayan ang sasabihin ni FG.
Nang nasa abroad si FG, inamin ng spokesman niyang si Atty. Jesus Santos sa maraming press interviews na nandoon nga ang asawa ng Presidente sa Wack Wack Golf Club sa Mandaluyong nu’ng umagang tinutukoy ni Joey. Pero nagkataon lang daw. Dinagdag pa ni Santos, at itinestigo ito nina Sec. Leandro Mendoza at Abalos sa Senado, na malumanay ang ugali ni FG, kaya’t imposibleng surutin niya si Joey na kakikilala lang niya noon.
Sa airport pa lang pagbalik ni FG mula sa biyahe, inulot niya agad ang mga pagdepensa sa kanya. Wala sa bokabularyo niya ang katagang “Back Off”, aniya. Natiyempo lang na nandoon siya sa Wack Wack nang umagang pinagpupulungan nina Joey, Mendoza at Abalos ang broadband deal. Unang beses niya nakilala roon si Joey. At pinangaralan lang daw niya ito na huwag mangontrata sa gobyerno dahil anak siya ng Speaker.