SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, October 30, 2007
Huwag na nating arukin ang motibo ni Arroyo sa pag-pardon. Siya lang ang makakatiyak kung ginawa niya iyon para mabaling ang atensiyon ng madla mula sa mga akusasyon ng bribery at corruption ng kanyang administrasyon. Isipin na lang natin kung ano nga ang epekto ng pardon sa ating kamalayan.
Merong isang babae, nagngangalang Dominga Manalili, dating mababang empleyado ng BIR, na pinaka-unang nahatulan ng plunder. Hanggang ngayon, nakakulong pa rin siya. Marami pang ibang convict na edad-70 tulad ni Erap, na hindi napapagkalooban ng parole o pardon, dahil walang lumalakad ng papeles. At mas marami pang ibang bilanggo na mas mababa ang krimen pero mas matagal nang nakakulong sa selda, ’di tulad ni Erap na “nakapiit” sa malawak na rest house sa bundok. Sa paghahambing natin, malilinang na hindi makatarungan ang pag-pardon. Maaring karmahin si Arroyo ng katulad na pagbagsak ni Erap, batay sa analysis ni Ramos. Pero tama si Villa-Ignacio sa pagsabing masyadong maaga ang pag-pardon kaya
Pati mga negosyante ay galit sa pardon. Uunlad lang kasi ang negosyo nila sa ilalim ng Hustisya, hindi sa rehimen ng palakasan.