SAPOL Ni Jarius Bondoc , Pilipino Star Ngayon, Friday, November 23, 2007
NI-RAID kamakailan ng Italian police ang bahay ng isang Mafia boss. At natalisod nila ang mala-Sampung Kautusan ukol sa gawi ng mga kasapi ng crime syndicate.
Kabilang sa maraming bawal ang malimit na pagba-bar, at pagtitig sa asawa ng mga kasama. Kabilang naman sa mga alituntunin ang pagrespeto sa mga asawa, at pagiging prompt sa oras ng appointments.
Natagpuan ang listahan ng mga bawal at alituntunin nang arestuhin sa kanyang bahay si Salvatore Lo Piccolo, ang hinihinalang bagong hepe ng Sicilian Mafia. Ipinapalagay na nilathala ang mga utos ng Mafia bilang “gabay sa pagiging mabuting mobster.”
Iba pang mga bawal na asal ng Mafiosi ang pagiging mapagkaibigan sa mga pulis, pagiging huli sa takdang oras, at pagbubulsa ng pera ng ibang kasapi ng Mafia o ng ibang pamilya.
Malinaw sa dokumento na hindi maaring mag-Mafia ang isang may kamag-anak na pulis o informer. At miski utos sa mga Mafiosi na igalang ang mga misis, hindi naman sila dapat umasang katabi ang esposo kapag nanganganak, dahil palaging may misyon ang mobsters.
Heto ang Sampung Kautusan ng Mafia:
1. Huwag didiretso sa isang kasapi; humanap ng mamamagitan.
2. Huwag tititig sa asawa ng kaibigan.
3. Huwag makikita sa piling ng mga pulis.
4. Huwag pupunta sa pubs o nightclubs.
5. Tungkulin sa Mafia ang maging handa sa duty kahit anong oras, maski nanganganak ang asawa.
6. Sundin ang appointments kahit kailan.
7. Igalang palagi ang mga asawa.
8. Kapag hiningan ng impormasyon, katotohanan lang ang sagot.
9. Hindi maaring gamitin ang pera ng ibang kasapi o pamilya.