SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, November 19, 2007
KUNG napanood n’yo ang action film na “V for Vendetta,” maaalala n’yo na inalala roon ang buhay ni Guy Fawkes. Si Fawkes ay Englishman na nu’ng Nob. 5, 1605, ay tinangkang pasabugin ang Parliament sa
Naalala ko ang istorya nang may sumabog sa Batasan nu’ng Martes nang gabi. Si Rep. Wahab Akbar, na namatay sa sugat, ang tinutukoy ng pulis na target ng bomba. Marami siyang kaaway sa pulitika sa probinsiya. Marami ring sunda-long galit sa kanya sa hinalang kinukupkop niya ang mga kidnaper na Abu Sayyaf. Sila ang suspek ngayon ng pulis.
Hindi man sumabog ang Parliament, tinuturing ngayong Catholic jihadist si Fawkes. Galit siya sa mga Protestante. Kumbaga, extremist siya na walang pinagkaiba sa mga Islamist terrorists ng kasalukuyang panahon, tulad ng al-Qaeda at Jemaah Islamiya. Kung sino man ang nagpasabog sa Batasan — na ikinasawi ng dawala pang sibilyan at ikinasugat ng dalawang dosena — terorista din ang utak. Kaaway man siya sa pulitika o sundalong galit, gumawa siya ng bomba na napakalakas, at itinanim ito sa lugar na matao — parking lot sa gilid ng South Wing lobby ng Batasan, at pinasabog ito nang naglalabasan na ang mga congressmen mula sa session hall. Ang pakay tiyak ng bomber ay hindi lang patayin si Akbar, kundi takutin din ang madla at guluhin ang kaayusan ng lipunan.