SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, January 15, 2008
UNANG sinabi ‘yon ni National Security Adviser Norberto Gonzales tatlong buwan makalipas ang
Nu’ng mga panahong ‘yon, meron nang hugung-hugong na may mataas na tao sa Comelec na nangongomisyon sa national broadband deal. Pero hindi pa pinapangalanan sa isang privileged speech ni Rep. Carlos Padilla si noo’y-Comelec chief Benjamin Abalos bilang opisyal na malimit bumiyahe sa Shenzhen sagot ng ZTE Corp. na nagbabalak mag-supply ng $330-milyong overpriced broadband equipment sa Pilipinas. Nu’ng mga panahon ding ‘yon, nagtatago na si Maguindanao election supervisor Lintang Bedol, matapos iwala ang certificates of canvass ng probinsiya upang pagtakpan ang pandaraya niyang ginawa para sa administration senatorial candidates. Malala rin ang naging botohan sa ibang pook; pati sa
Ang naging epekto ng masamang palakad ng Comelec sa eleksiyon nu’ng 2004 at 2007 ay ang pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa sistema. Kinukuwestiyon na ng madla ang uri ng demokrasya sa Pilipinas — demokrasyang para lamang sa mayayaman at makapangyarihan, lalo na mga pulitiko. At ang kawalan ng tiwala ay mapanganib para sa seguridad ng bansa, dahil mananaig ang mga kalaban ng estado.