SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, January 18, 2008
SA pananaw ngayon ng mga Pilipino, pinaka-maruming Pre sidente na si Gloria Arroyo. Mas malala pa siya kaysa kay Ferdinand Marcos, ayon sa huling Pulse Asia survey.
Kibit balikat lang si Arroyo sa ganyang pasya ng taumbayan. Hindi raw sayad sa lupa ang batayan ng opinyon ng madla, kasi hindi raw nila batid ang “maraming kilos” ng administrasyon para umano wakasan ang katiwalian. “Tinitiyak ko sa inyo na umaandar ang laban,” ani Arroyo.
Kung marami ngang kilos, kung umaandar ang laban sa katiwalian, bakit hindi ito makita? Miski mga taga-media, na may oportunidad at gilas para masundan ang mga nagaganap sa gobyerno, lalo na sa MalacaƱang ay walang maiulat. Walang nakikitang progreso sa paglilinis ng gobyerno. Ang sinasabi pa nga ng mga taga-administrasyon mismo, hindi na raw pina pansin ni Arroyo ang mga batikos o ang kahiya-hiyang pagtingin sa kanya ng Pilipino. Manhid na raw siya, at wala nang balak magbago.
Kaya pala walang nangyayari sa mga malalaking kaso ng katiwalian mula nang maupo si Arroyo nu’ng Enero 2001. Isa-isa nating repasuhin:
• pangingikil ni Hernando Perez, unang Justice Secretary ni Arroyo, ng $2 milyon kay Mark Jimenez para ituloy ang Impsa deal;
• 234% overprice sa paglatag ng
• $10 milyon (P500 milyon) suhol ng Piatco nu’ng April-June 2001;
• P780 milyong fertilizer scam ni Jocjoc Bolante nu’ng 2004 election;
• $330 milyon overpriced national broadband deal na si Arroyo mismo ang nag-witness sa pirmahan sa
• suhulan sa MalacaƱang nang P500,000 kada congressman at local official para patulan at pagkatapos ay ibasura ang fake impeachment case laban kay Arroyo.