SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, January 21, 2008
SA wakas umabot na rin sa Kongreso ang debate ng daigdig tungkol sa food-versus-fuel. Tinitimbang ng mga mambabatas kung ang malawakang pagtatanim ng oilseeds para biodiesel, at mais o tubo para bioethanol ay uubos sa food supply tulad sa
Nakababahala ang mga huling balita. Anang Time magazine, tumaas ang presyo ng pagkain sa
Pero ang mga babala ay hindi para sa Pilipinas. Kasi, kung tutuusin nga, hindi naman kinakapos ang bansa ng lupa para sa pagkain. Ayon nga sa Asian Development Bank, anim na milyong ektarya ang nakatiwangwang. Ani Peter Anthony Abaya, presidente ng PNOC-Alternative Fuels Corp., iniiwasan nga nilang itulak ang jatropha o tuba-tuba sa mga lupang ito na dapat taniman ng pagkain. Pino-promote nila ang jatropha farming bilang biodiesel sa marginal lands — na hindi masaka kasi tigang o tabing bangin.
Tumutubo ang jatropha sa malalang lupa. Kaya, mapapakinabangan na ng mga magsasaka ang dati’y walang kuwentang lote. Konting alaga lang din ang kailangan sa jatropha. Hindi mauubos ang oras ng mga nagtatanim para alagaan ang ibang halamang pagkain.