SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, January 11, 2008
NABABAHALA ang kampo ni Pampanga Gov. Ed Pan-lilio. Malakas kasi ang hugong-hugong na ipare-recall siya ng isang mayamang nakalaban sa eleksiyon nu’ng Mayo 2007. Gugugol lang daw ng pera ang kalabang ito, at mababawi na ang mandato ni Panlilio na mamuno hanggang 2010.
Ano ba ang recall? Ito, ayon sa Konstitusyon, ay kapangyarihan ng taumbayan na bawiin ang pagkahalal ng isang local official — gobernador, mayor, bise, kalupon, konsehal, barangay captain, etc. Ani Chief Justice Reynato Puno, doble-talim ang poder na ito. Kung gamitin nang wasto, makabubuti sa nakararami; gamitin nang
Halos lahat ng mayors sa Pampanga ay kontra kay Panlilio, na pari sa Betis bago pumasok sa pulitika. Kalaban din niya ang vice governor at halos lahat ng provincial board members. Paratang ng mga kalaban na bobo’t abusado ng mga tauhan ni Panlilio, kaya lumulubog ang kapitolyo. Ayon naman sa kabilang panig, nasaktan ang bulsa ng mga kalaban dahil pinuksa ni Panlilio ang jueteng at katiwalian. Patago na kung ibola ang dating lantaran pero ilegal na sugal. At P1 milyon kada araw na ang koleksiyon ng buwis mula sa lahar quarrying, na dati-rati’y P19 milyon lang kada taon dahil ibinubulsa ng mga opisyal. Walang pruweba ng kalokohan o katangahan ang magkabilang panig dahil puro sa media lang imbis na sa korte ang bakbakan nila — bagay na kahina-hinala.
Madaling mapapa-recall si Panlilio kung dadaanin ng kala ban sa pera, anang kampo niya. Magpapapirma lang sila ng petisyon sa 98.703 botante —10% ng rehistrado nu’ng Mayo 2007— at aandar na ang proseso. Mura lang bilhin kada boto nang P1,000, o kabuuang P98.7 milyon, kung ang pakay sa pagbagsak ni Panlilio ay buhayin muli ang jueteng na pinagkikitaan ng daang-milyong piso araw-araw.
Ibeberipika ng Comelec ang mga nakalap na pirma. Tapos, itatakda nito ang araw ng halalan, kung saan kasali dapat ang opisyal na ni-recall.