SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, January 29, 2008
MATAGAL nang iniaangal si Juniper Dominguez ang mga “himala” sa DPWH-Cordillera Autonomous Region. Sumulat na siya sa MalacaƱang, kay DPWH Sec. Hermogenes Ebdane, at sa mga obispo. Napapagod na siya sa pagbunyag ng niya’y pag-raid ng mga opisyal ng DPWH sa mga proyekto ni
Tatlong katiwalian ang isinusumbong ni Dominguez:
• Malimit na 15% advance payments sa mga kontratista — miski walang supporting documents o legal na basehan;
• Pag-report sa TV news ni CAR Director Mariano Arquiza na tapos nang gawin lahat ng repairs sa mga depektibong bahagi ng
• Pagpa-construct ng three-story DPWH Rest House sa Sayangan, Benguet, sa halagang P4,944,000 miski hindi tapos at ni walang sahig o dingding.
Itong huli ang pinaka-lantarang kurakot. Makikita sa mga larawang ipinadala sa MalacaƱang at DPWH na walang sahig o dingding ang 1st at 2nd floors ng rest house. Third floor lang ang may bahaging dingding at sahig. Walang pintura ang mga dingding, ni hindi pa kinikinis ang hollow blocks at semento. Wala ring bintana, pinto, banyo, plumbing, kisame o ilaw. “Bare” ang tawag sa ganitong konstruksiyon. Pero halos P5 milyon inabot ang materyales, labor at management fees.
Bakit masasabing overpriced ito? Kasi, ani Dominguez, katatapos lang itayo ang mas malaki, mas maganda, at kumpletong two-story Data Elementary School, sa Benguet din, pero P3,300,000 lang. Makikita na ang iskuwelahan, na pinondohan ng Japan at ipinatayo ng provincial capitol, ay tapos na tapos. Merong sahig at dingding, bubong at kisame, banyo’t tubig, kuryente’t ilaw, bintana’t pinto, pero hamak na mas mura. Makinis at pinturado ang pader, at may bakal na railings pa.