SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, January 28, 2008
BUONG mundo ang nalulunod sa malimit na oil spills sa karagatan. Sa dami ng oil tankers na bumibiyahe sa lahat ng sulok ng daigdig, malaki ang tyansa na isa sa kanila ang sumadsad o mabunggo, at magsuka ng tone-toneladang krudo na nagwawasak ng kalikasan. Kaya simula Abril 2008 ilalatag ng International Maritime Organization ang patakaran: Lahat ng oil tankers ay dapat double hull na. Ang magpapatupad ng ruling sa Pilipinas ay ang Maritime Industry Authority, sa pamamagitan ng Memo Circular 2007-001
Sa Pilipinas nito lang nakaraang taon, tatlong oil spill ang naganap sa Semirara (Antique), Guimaras (
Ang hull ay ang pinaka-katawan ng barko. Kapag doble ito, merong dalawang protective layer: Ang water-tight steel body sa labas, at ang dagdag pang bakal sa loob bilang backup kung sakaling bumigay o nabutas ang una. Hindi na papasukin ng tubig-dagat o tatagas ang kargang krudo kapag double hull na.
Mahal magpa-convert ng single hull tungo sa double hull: Umaabot sa $12-15 milyon para sa 5,000-ton tanker. Kung brand-new double hull, mahigit $35 milyon ang presyo.
Natural may mga ship owners na umaangal. Pinade-delay nila ang deadline sa pagbago sa double hull. Imbis na sa Abril, saka na lang daw.