SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Monday, January 7, 2008
GINAGAWA nilang pribadong pag-aari ang posisyon sa gobyerno. ‘Yan ang banat ng mga kritiko sa balak ni Joseph Estrada na tumakbo muling Presidente sa 2010. Inanunsiyo ni Rep. Rufus Rodriguez, spokesman ni Erap, ang pagkandidato muli si Erap. Sa pagkapanalo, kalahati lang daw ng termino ang iuupo. Nais lang malasap sa wakas ni Erap ang tatlong taon sa termino na naudlot ng EDSA-2. Tapos ibabalato niya ang kalahati ng termino sa kapartidong Bise Presidente. Lalakas umano ang tsansa nitong manalo ng sariling six-year term bilang Presidente. Sa huli, 12 taon mananaig ang kasalukuyang watak-watak na Oposisyon.
Hindi gan’un kadali ang
Makitid ang pananaw na ‘yon. Dapat
Iwinawasiwas ni Rodriguez ang naging karanasan ni Gloria Arroyo. Minana nito nu’ng 2001-2004 ang kalahati ng termino ng pinabagsak na Erap. Tapos, habang nakapuwesto, tumakbo para sa six-year term ng 2004-2010. Susunurin lang daw ni Erap ang kaganapan.
Pilit ang pananaw na ito. Naupo si Arroyo nu’ng 2001 dahil ayon sa Konstitusyon, Art. VII, Sec. 8, hahalili ang Bise kapag namatay, nabalda, nagbitiw o pinatalsik ang Presidente. Ayon naman sa Sec. 4, kapag mahigit apat na taon ang iniupo ng humaliling Presidente, bawal na ito tumakbo. Iba ito kay Erap, na nanalo na pero pinatalsik dahil sa pangungulimbat.