SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, January 4, 2008
GALIT si Sen. Aquilino Pimentel sa eksena sa pelikulang “Sakal, Sakali, Saklolo” na para sa kanya’y nagmamaliit sa mga Bisaya. Sa film sinasabon ng amo ang yaya dahil tinuturuang mag-Bisaya ang bata imbis na Tagalog na umano’y Pinoy. Sagot ng mga gumawa ng pelikula, ipinakikita nga nila ang makitid na pananaw nang maraming puristang Tagalista na ang wikang Filipino ay Tagalog lang at hindi Bisaya o iba pang mga wika sa Pilipinas.
Sobra lang kayang sensitibo sina Pimentel? Mainis din kaya sila sa kuwentong ito?
Nagre-recruit daw si Bill Gates ng papalit sa kanya na chairman ng Microsoft. Limang libong aplikante ang dumating. Isa sa kanila si Mario Depakakibo. Inanunsiyo ni Gates na lahat ng hindi marunong mag-Java ay maaari nang umuwi. Dalawang libo ang umalis. Ani Mario sa sarili, “hindi nga ako marunong mag-Java, pero wala namang mawawala kung manatili ako dito, kaya bahala na.” Inanunsiyo naman ni Gates na lahat ng walang karanasan sa pagma-manage ay maaari na ring umuwi, at 2,000 pa muli ang umalis. Naisip uli ni Mario na wala nga siyang management experience, pero wala naman mawawala kung mag-stay pa siya, kaya hala bira. Sinabi naman ni Gates na lahat ng walang PhD ay umalis na; 500 ang luma bas. Isip muli si Mario: “High school nga lang ako, pero walang mawawala kung manatili ako, kaya sige.” Sina bihan ni Gates ang mga natitirang aplikante na lahat ng hindi marunong magsalita ng katutubong Ainu sa