SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, February 5, 2008
KUNG sinusundan n’yo ang mga kaganapan sa national broadband scam, tiyak ako na nauubos na ang tiwala n’yo sa administrasyong Arroyo. Bakit hindi? Lahat na lang ng sangkot sa umano’y $200-milyong kickback sa $330-milyong kontrata ay iniisnab ang subpoenas ng Senado.
Maski may warrant of arrest sa kanya, iginigiit ni Sec. Romy Neri na wala na siyang masasabi matapos tumestigo nang 11 oras. (Ngitngit tuloy ni Blue-Ribbon chairman Alan Peter Cayetano na silang mga senador ang magsasabi, hindi si Neri, kung tapos na ang pag-uusisa nila.) Si Comelec chief Ben Abalos naman, nagpasya matapos sumipot minsan na hinding-hindi na siya babalik para igisa muli. Kesyo resigned na rin lang siya at private citizen na, kaya hindi na mapupuwersang tumestigo. Gayundin sina DOTC Sec. Larry Mendoza, at mga ayudanteng Lorenzo Formoso at Elmer Soñeja — ayaw nang bumalik miski tungkulin nilang kumbinsihin ang mga senador na kailangan talaga ng exclusive government telecom network. Si First Gentleman Mike Arroyo, miski kaoopera lang kaya ayaw ng doctor, ay lumipad sa
Ngayon pati isang mababang opisyal ng Ehekutibo ay may ganang bastusin ang subpoena ng Senado na siya mismo ang humingi.
Si Jun Lozada mismo, presidente ng Forestry Corp. ng gobyerno, ng nagsabi kay Sen. Ping Lacson na darating siya kung sapilitang imbitahin at usisain. Alam niya umano lahat ng dumi sa NBN. Ehemplo: magkano ang partihan ng kickbackers mula sa paunang $70-milyong lagay ng ZTE, at proyektong ibabasura (repair ng Angat dam, pabahay ng pulis) para lang mapondohan ang NBN. Nakokonsiyensiya raw siya.
Pero nu’ng Miyerkules, araw ng Senate hearing, lumipad siya sa