SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, February 12, 2008
Una, dinukot nila ang mga komunista, at hindi ako kumibo — dahil hindi naman ako komunista;
Tapos, dinukot nila ang mga sosyalista, at hindi ako kumibo — dahil hindi naman ako sosyalista;
Dinukot nila ang mga unyonista, at hindi ako kumino — dahil hindi naman ako unyonista;
Dinukot nila ang mga Hudyo, at hindi ako kumibo
Tapos, dinukot nila ako — at wala nang natitirang kikibo para sa akin.
KAKUKUWENTO pa lang ni Joe de Venecia sa huling talumpati bilang Speaker ang pagbabanta sa kanyang buhay, heto’t naganap ang kakila-kilabot na eksena sa kumukulong ZTE scandal. Kinidnap ng MalacaƱang ang testigong si Jun Lozada para pigilan itong maisiwalat sa Senado ang $200-milyong (P10-bilyong) kickback sa $330-milyong telecoms deal.
Ani de Venecia, nanganib ang kanilang buhay nang ibunyag ng anak na si Joey ang ZTE scam na kinasangkutan nina First Gentleman Mike Arroyo, Comelec chairman Ben Abalos, at DOTC Sec. Leandro Mendoza. Ibinulong sa kanila ni dating Army chief Jayme delos
Nararapat lamang na atasan ng Presidente ang pulis na imbestigahan ang tangkang asasinasyon at mag-ulat sa Speaker. Sinumpaang tungkulin niya ‘yon. Pero, ngit-ngit ni De Venecia, ni walang sinagot si Arroyo.
Ani De Venecia, kung nangyari sa kanya ito gayong mataas siyang pinuno, maari itong mangyari sa iba. At hayun, kinidnap nga si Lozada.