SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Tuesday, February 19, 2008
TALAGA bang hindi hihinto ang Arroyo admin sa paggawa ng krimen sa pagtutuloy at pagtatakip sa ZTE scam? Nitong nakaraang araw, binantaan ng isang Cabinet member ang Makati Business Club na ipabi-BIR sila. Ito’y dahil nanawagan ang mga negosyante kina Cabinet members Lito Atienza at Romy Neri na mag-resign dahil sangkot sa pagkidnap at pagbusal kay whistleblower Jun Lozada.
Garapalang paglabag sa Konstitusyon ang pagbabanta. Nasa Bill of Rights ang kalayaang maghayag at humingi ng lunas sa hinaing. Utos din ng Code of Conduct and Ethical Standards na kilalanin ng nasa gobyerno ang karapatan ng mamamayan. Ipinagbabawal naman ng Administrative Code ang pagha-harass ng mamamayan.
Nu’n lang naunang linggo, maraming krimen din ang ginawa ng mga galamay ni Gloria Arroyo kay Lozada. Kinidnap siya sa airport, nanghadlang sa hustisya, nang-udyok na magbulaan, nag-wiretap, nagbulaan mismo sa Senado, at inaabala ang takbo ng Kongreso. Sinabayan pa ng panlalait sa lahing Tsino.
Bago ’yon, marami ring batas ang nilabag para maisakatuparan ang ZTE deal. Inapura nila ito, itinago sa publiko, at nag-overprice. Ilan lang sa binale-walang batas ang: Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Telecoms Policy Act, Procurement Reform Act, Omnibus Election Code. at Revised Penal Code (sa panunuhol at pag-aalok ng suhol). Pati ang Konstitusyon nilabag nang pirmahan ang kontrata miski wala pang aprubadong sanhi ng pondong pantustos sa proyekto.
At nang tinangka nilang itago ang kontrata sa publiko, nilabag din ang Anti-Red Tape Law. Nag-imbento ng umano’y pagnakaw ng kontrata sa