SAPOL Ni Jarius Bondoc, Pilipino Star Ngayon, Friday, February 8, 2008
BINUHAY ang isang ina sa
Nang ikasal si Fatuma Shubisa sa isang evangelist, lumipat siya sa Kristiyanismo mula Islam. Pero nagkasakit ang ina ng siyam, at pumanaw sa harap ng inang nag-aalaga sa kanya. Nagsimulang magluksa ang Baryo Alelu. Nagkataong naparaan du’n si Warsa Buta na Protestant missionary. Sa pagtupad ng aniya’y pangako ng Diyos na bubuhayin ang patay ng kamay niya, hinanap ni Buta ang namatay na babae.
Nagtaka ang mga kaibigan at kamag-anak nang dasalan ng preacher ang nakatalukbong na bangkay. Kuwento ni Buta: Sampalataya ako na kikilos ang Diyos sa pamamagitan ko. Nagdasal ako tulad ng pagdarasal ni San Pedro, ‘Fatuma, sa ngalan ng Panginoong Hesus, bumangon ka.’”
At umupo nga si Fatuma sa
Si Fatuma ang nagtuloy ng kuwento: “Agad-agad napabalik ako sa aking katawan. Umupo ako at nagtanong, ‘Ano’ng nangyayari?’ Nagkagulo ang lahat. Anila nagagawa raw ng isang paring Kristiyano na pabalikin ang kaluluwa sa katawan. Sumigaw sila, lahat daw sila magpapa-convert na.”
Habang patay si Fatuma, tila nakaranas siya ng magagandang silip sa Langit. Nakita raw niya ang mga yumaong kamag-anak at kapitbahay at nakipagkuwentuhan.
“Bumangon ako sa kagustuhan ng Diyos na bumalik ako sa piling ng mga musmos kong anak,” ani Fatuma sa video ng breakingchristiannews.com nu’ng Enero 29. Ngayon batid ko na kung mamatay tayo ay mapupunta tayo sa napaka-gandang pook.”